May mga Pagpaparayang dadalhin ka sa kasiyahan pero may pagkakataon din naman na sa kalungkutan.Ako nagparaya ako sa kuya ko. Tumigil ako ng pagaaral ngayong semester para sa kanya. Dahil kelangan nga naman na unahin sya. Lalo na’t graduating pa sya sa kursong seaman. Nagparaya ako para mag silbing space between sken at sakanya. Para narin hindi mahirapan mga parents namen. Pero sa tuwing mapapanood ko yung mga balita about sa unang araw ng school di ko mapigilang tumulo ang luha ko. Sa bawat gabi na ipipikit ko mata ko naiisip ko na sa dinami-dami ng mga estudyante na sinasayang lang yung pera at panahon nila sa pag aaral bakit ako pa ang kelangan ma pahinto. Ako na maraming pangarap sa buhay. Bakit ako pa?

 Pero wala ako magagawa yung ang DAPAT eh. Alam ko na may ibang gusto para sken si papa God. At hindi ako magsisisi na pumayag ako. :)